CHAPTER 15
Nagmamadaling napatakbo si Polina, patungo na labas, at dahil sa bilis ng takbo niya ay hindi na siya inabot ni Aling Martha. Mabilis naman niyang narating ang pamilihan ng kanilang lugar nila. Nakita nga niya ang ilang halimaw na Werewolf sa pamilihan na nanggugulo.
Agad niya itong nilapitan upang pigilan, hawak ng halimaw ang isang matandang babae, "Bitiwan mo siya!" sigaw niya sa halimaw.
Agad na napalingon ang lalaking wolf sa kanya at napangisi ito ng makita siya."Mabuti naman at nagpakita ka na rin sa 'min! Matagal ka nanaming hinihintay!" sambit ng halimaw na wolf.
Pahagis nitong itinapon ang wala nang buhay na matandang babae. Matapos nitong sipsipin at kainin ang ilang bahagi ng katawan ng kawawang babae."Ang sasama niyo! Bakit niyo ginagawa ito sa mga tao?" "Dahil hindi kami tunay na tao! Ginagamit lamang namin sila upang dumami ang lahi naming mga werewolf dito, kailangan namin sila para lumakas kami!"
"Mga walanghiya! Lumayas na kayo sa mundong ito! Magbalik na kayo sa pinanggalingan niyo!" sigaw ni Polina sa halimaw.
Ngunit mas ngumisi lamang ito, at mas tinangka pa siyang lapitan, habang siya ay nanginginig sa galit dahil sa nakita niyang ginawa ng mga ito sa mga kapwa niya tao.
Nananaig pa rin kasi sa kanyang isipan ang pagiging tao niya. Kasabay ng pagmamahal niya sa kanyang ina, lolo at lola. Mahal niya ang mga tao.
Kaya naman ikinuyom niya ang kanyang kamao. At nakahanda na siyang labanan ang lalaking halimaw na nasa harap niya ngayon.
Alam niyang marami ang mga ito, at hindi niya sigurado kung makakaya ba ng lakas niya na labanan ang mga ito.
"Ihanda mo na ang sarili mo munting Prinsesa! Tila mahina ka, naririnig namin ang matinding isinisigaw ng isipan mo, ang matinding galit mo sa amin, kami ang mga kauri mo, kaya dapat kami ang kampihan mo!" "Tumigil kayo! Kahit kailan, hindi ko tatanggaping isa akong halimaw na tulad niyo!" sigaw pa niya sa mga halimaw na nasa harap na niya.
Mabilis na tumakbo ang lahimaw upang dukwangin siya at kainin sa lalaong madaling panahon. Halos tumalsik ang laway ng mga ito, upang makuha at makain lamang siya ng mabilis. Ngunit dahil sa may angkin abilidad naman talaga siya at sadyang lumaki sa bundok, mabilis tumakbo, kaya naman nakaiwas siya sa pagsugod noong isa.
Ngunit hindi niya nakita ang isa pang werewolf na halimaw, na nakalapit na pala sa kanyang likuran at siya mabilis na sinagpangan ng isang kamay nito na may mahahabang kuko. Nadaplisan ang kanyang kanyang kanang braso, at mabilis na lumabas doon ang kanyang dugo, at ang dugong iyon ay naging isang mabangong samyo para sa lahat ng mga naiibang nilalang sa buong lugar na iyon.
Kitang-kita niyang naglabasan pa ang iba pang mga halimaw na werewolf sa kinaroroonan niya. Wala nang tao pa roon dahil lahat ay natatakot na angtakbuhan na.
"Paano ka ngayon munting prinsesa?" nakangising sambit ng isang nilalang na bago lang lumitaw roon.
Mukhang siya ang pinuno ng mga halimaw na Werewolf na iyon, na sumalakay sa mga tao, at dahandahang lalapitan sana nito si Polina, nang malapit na ito sa kanya at tangka siyang sasagpangin ay isang kamay ang bigla na lang sumakal rito.
Isang matalim na mga kuko ang tumarak sa leeg nito, at halos lumipad sila sa lakas ng impact ng kapangyarihan nito. Bumangga sila sa isang malaking puso, at doon ibinuhos ni Hyulle ang kanyang lakas para tapusin ito. "H-Hyulle! Bakit mo siya inililigtas? Hindi isa kang Itim na Lobo?" sambit pa nito habang sakal-sakal ni Hyulle ang leeg nito.
Nakatarak ang napakatalim na mga kuko ni Hyulle sa leeg nito."Wala kayong karapatang saktan siya!" Nangangalit ang mga ngipin ni Hyulle, at namumula ang kanyang mga mata.
Tulad noong una niya itong makita na galit ding sinasaktan si Shiera. Ganoon din ang itsura nito no'n."Hyulle, hindi mo alam ang ginagawa mong pagpigil na mamatay siya ay ikakapahamak mo!" sambit pang muli ng halimaw na Werewolf, na tila ito ang leader ng mga iba pang halimaw.
"Matagal ko na kayong pinagbibigyang mabuhay sa mundong ito, ito na siguro ang oras para lipulin ko kayo!" galit na sambit ni Hyulle.
Mariing sinakal ni Hyulle ang nilalang na iyon, at sa isang iglap lang ay naging isang maitim na usok na lamang ang lalaking wolf na hawak nito sa kanyang isang kamay, at ang lahat ng iba pang mga halimaw doon ay isa-isang nagsilayasan.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ne5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
Nang makita nilang hindi nila kakayanin ang lakas ni Hyulle, kusa silang nagsialisan, at mabilis naman siyang nilapitan ni Hyulle, at hinawakan sa kanyang palapulsuhan. Sa isang iglap lang ay naroon na sila sa kanilang mansiyon. "Ba't mo ginawa iyon?" galit na sigaw ni Hyulle sa kanya, at siya naman ay napaupong bigla sa sofa na naroon.
Sa library sila lumitaw matapos nilang maglaho sa pamilihan."Anong bakit?" mataas din ang tinig na sagot niya kay Hyulle. Alam niyang nag-alala ito sa kanya. Ngunit mas inintindi na lang niya ang sarili niyang pag-aalala sa mga taong maari pang mapahamak.“Huwag mo nang uulitin iyon ha!" sambit nito sa kanya habang naikukumpas pa ang mga daliri sa ere.
"Ano, ibig mong sabihin kahit na alam kong may mga taong napapahamak dahil sa mga halimaw na iyon, wala akong gagawin!"
"Oo! Wala kang gagawin dahil mas mahina ka pa kaysa sa kanila! Mahina ang kapangyarihan mo, narinig mo naman kanina, naririnig nila ang mga iniisip mo!"
"And so what? Wala akong pakialam, mahina o malakas pareho lang iyon kung wala namang kabalak-balak na tumulong!" sigaw din niya kay Hyulle.
Napa hawak si Hyulle sa sarili nitong baywang, at naiiling na napabuga ng hangin. "Naririnig mo bang sinasabi mo? Look at your self! Your wounded! Bleeding, hindi mo ba nakikita iyan?" sambit pa ni Hyulle na pinilit magpakahinahon. Hindi nito maisip kung anong salita pa ang mga sasabihin para mapasunod lamang siya na huwag na niyang uulitin pa ang ganoong ginawa niya. "Hindi mo nauunawaan ang pakiramdam ko, hindi ka naman kasi tao, wala kang alam Hyulle!" sambit pa niyang muli rito, at laking gulat niya ng bigla na lang siyang daluhungin ni Hyulle, at sa isang iglap ay nakasandal na siya sa pader, nakatukod ang mga kamay ni Hyulle, at siya ay nakakulong na roon. Nakatitig ng masama si Hyulle sa kanya, na para bang nais siyang paslangin o kainin. Ang mga mata nito na matapang at nanlilisik na nakatitig lamang sa kanya. Napansin niya ang paglabas ng mga ugat nito sa dalawang braso, na animo 'y nanggigil at nais na siyang saktan.
"Ang hirap mong paliwanagan Prinsesa, alam mo bang matinding pag-aalalang idinulot mo sa akin, hindi ka maaring masaktan ng iba, kaya kailangan kitang protektahan." mahinahon na nitong sambit sa kanya.
Napansin niyang naging mahinahon na rin ang mga mata nito na kanina ay nanlilisik. Umiba siya ng direksiyon ng pagtingin, ni hindi niya kayang salubungin ng matagal ang mga mata ni Hyulle. Sa isang banda ay na-realized niya rin na mali siya.noveldrama
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
Sobrang delikado nga naman ng ginawa niya, at nagulat pa siya ng bahagyang itaas ni Hyulle ang kanan niyang braso. Iyon ang nasugatan ng halimaw na wolf kanina. Noong una ay tinitingnan lamang iyon ni Hyulle, ngunit naalarma siya ng biglang dilaan ni Hyulle iyon, na para lang dumidila ng ice cream, at sa isang iglap ay naghilom ang sugat niya.
Napatingala si Hyulle, at nakita niyang tila may enerhiyang bumalot sa katawan nito. "Nakita mo, nadagdagan ang lakas ko ng isang libong ibayo, iyan ang naidudulot ng dugo mo sa mga kapwa nating Werewolf, kaya maraming maghahabol sa iyo," paliwanag pa ni Hyulle.
Umalis siya sa harap nito ng makita niyang inalis na ni Hyulle ang mga brasong nakaharang sa kanya. "Anong gusto mo, maging balewala sa 'kin ang lahat?" "Dapat tinawag mo ako, hindi iyong sumusugod kang mag-isa," sambit nito.
"Ah, iyong nilalang na nais pumaslang sa akin, hihingan ko ng tulong na pumatay ng kapwa niya, para iligtas ang kapawa ko? Ang weird," naibulalas niya. "Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo?"
"Tulungan mo akong lumakas!" sambit niyang bigla.
"Okay, matagal ko na ngang iniaalok sa iyo hindi ba?" napalahad ang kamay nito sa ere.
"Hindi sa gusto mong paraan, paano ako lalakas na hindi ginagawa iyan?" tanong niya.
"Well, kumain ka ng marami, at mag-ehersisyo, tulad ng mga ginagawa ng mga tao. Mag-aral ka ng self defense?" napakibit balikat lang si Hyulle.