Chapter 4 Keep It A Secret
Nagising akong hilo habang nakahiga sa isang malambot na bagay.
That was when I realized, it was my bed I am lying with. Nasusuka ako ng bigla akong bumangon. Shit.
Dumeretso ako sa banyo ng kwarto ko at nagsuka.
Ano bang klase ng transportation 'yun? Or teleportation as what they called it in fictional stories? O kung ano pa man ang tawag don, ayoko nang maulit at mas lalong ayoko nang bumalik dun at baka maaga akong mamatay. Hilo man ay pilit akong naghilamos at dumiretso sa aking kama. Nakabukas pa rin ang aking laptop at ang wattpad app ko.
Napako ang atensiyon ko sa mga notifications na natanggap ko mula sa readers ng Steal, Steal. Something's off.
@Janerikareyes01
Miss A? Binago niyo 'yung story? @abbyyyy
What is diz? Is diz rili hapennin'?!!?!?!
After reading some of their comments, I immediately checked kung ano ba ang dahilan kung bakit naghuhurumentado ang mga mambabasa ng aking nobela.
All of the chapters were missing except from chapters 1 to 9. Nang buksan ko ang pinakahuling update, para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Wala akong natatandaang nagsulat ako ng ganitong scenario to the fact na lahat ng nangyari sa akin kani-kanina lang ay nakasulat dito.
Ano na ang gagawin ko? Should I call the police? Ugh. Iisipin lang nilang isang baliw ang tumawag sa kanilang ahensiya at isinumbong na napunta siya sa isang lugar na hindi kailanman makikita dito sa mundo. That sounds so ridiculous.
How about my parents? Siguro naman maiintindihan nila ako? Bakit pa ba ako magtatanong? Kailan ba sila nagkaroon ng pakialam sakin? Magmumukha lang akong papansin. They would just divert the conversation at sasabihing busy sila sa business nila.
What a reason.
My last option is my bestfriend Abby. Hindi ako nagdalawang-isip na i-dial ang number nito. Her phone rang. Wala pang sampung segundo ay sinagot na nito ang tawag ko.
"Hello, Sol!" Masiglang agbati ni Abby mula sa kabilang linya.
"Abby... I.." Saglit akong natahimik nang naisip kong hindi ko pala alam kung ano talaga ang sasabihin ko sa kanya.
Sasabihin mo bang napadpad ako sa lugar na nasa loob ng aking istorya? I'm sure she'll burst out laughing.
"Oh? Napatawag ka? Miss mo ko no? Ayiieeee."
Mahihimigan mong masigla ang babae base sa tono ng kanyang pananalita. Pero heto ako, di makasabay.
Knowing Abby, kahit gaaano kaadik at ka-obssessed 'yun sa mga fictional at fantasy stories, isang kabaliwan ang sabihin at ikwento sa kanya na nangyari nga ang imposible at ako mismo ang nakasaksi sa nangyari. Napabuntong-hininga ako ng malalim.
"Hey? Still there? Sol, may problema ka ba?" Biglang naging seryoso ang boses nito.
Pinag-aalala ko na siguro si Abby dahil hindi ko man lang mabigyan siya ng sagot.
Paano ako magbibigay e kahit na ako di ko alam ang sasabihin. Sandaling naging tahimik ang magkabilang linya.
"Ah. I just called to say na nahihirapan akong makatulog. "'Yun lang." Sinamahan ko pa ito ng tawa. Napakapeke. Hindi kapani-paniwala.
"Really, Sol? It's still 7 on the clock. You usually sleep at 10 or 11. Worst ay 1 or 2 am at kailanman di ka tumawag sakin kapag nagkaka-insomnia ka. Wala ka na bang ibang palusot? You know, I've been with you since first day. At kilalang-kilala na kita. Now, what?"
Napabuntong-hininga na lang ako.
Alam ko namang di ito maniniwala sa akin. Hindi ko ginalingan sa pag-acting and because she knew me very well.
I looked at my phone's screen at totoo ngang past 7 pm pa lang. Ilang oras lang pala akong nawala.
Ngayon ko lang napansin na mabilis pala ang oras sa mundong iyon keysa dito.
Fuck. Everything's fucked up.
"Cook me foods. I'll be there in 10 minutes. See ya!"
Hindi pa man ako nakakasagot ay pinatayan na niya ako. That brat. I smiled.
Kahit kailan, alam niya talaga kung kailan ko kailangan ng kausap at kaibigan.
Nagluto ako ng pasta. Hindi sa pagmamayabang pero parang ganoon na rin.
I cook well. Ikaw ba naman ang iwanan ng mag-isa for about 18 years. I live by myself and I serve myself. Noong una, pafry-fry lang. Tutong dito, tutong doon. Minsan kailangan pa ng Youtube para may guide pero wala, palpak pa rin. Until unti-unting nagkakaroon ng improvement. In short, naging strong independent woman ako.
Carbonara ang niluto ko since it's her favorite. Nagluto pa ako ng fries, leche flan at gumawa ng sandwich with nutella.
Yes, Abby's a binge-eater. Hindi ito agad-agad na nabubusog. Malakas kumain pero hindi tumataba.
Hindi katulad ko, kaunting kain lang, busog na. Taba na.
I heard the doorbell ring. Naghugas muna ako ng kamay bago pagbuksan ang bisita.
"Hi, Soooool! It's good to be back here!"
Iwinagayway nito sa hangin ang kanyang kamay habang tatawa-tawa.
Umiling-iling lang ako sa kalokohan niya. Parang last week lang e nandito siya. Biglaan lang 'yung pagbisita kasi daw ay namimiss niya na ako. Well, the truth is. Ayaw niyang mag-isa ako palagi.
Kadalasan ay nag-oovernight ito dito sa bahay kasama ko. Minsan jamming lang or kwentuhan. Tapos kapag magrereview kame. Kadalasan, trip niya lang. Naiiyak nga ako minsan kapag naaalala ko 'yung mga bagay na ginagawa niya para sakin para naman sumaya ako.
Sinasacrifice niya yung oras na para sana makapiling niya ang pamilya niya but she ends up choosing to be with me at my house. Sobrang thankful ako na naging kaibigan ko si Abby. Very thankful kahit pa ang weird niya at maloko. "Oh? Dala mo na naman 'yan?" Natatawa kong tanong habang nakatingin sa dala niyang unan.
Marami naman akong unan dito pero palagi talaga nitong dala ang unan na iyon.
"Ah. Si Footlong. Alam mo namang di ako nakakatulog kapag di ko siya katabi diba? So, I brought him here." She winked. Footlong. 'Yung chicken hotdog niyang unan na human-size.
Palagi nga niyang dala 'yon kapag nag-i-sleepover ito dito. Minsan nga e inaagaw ko 'yun sa kanya kapag tulog-mantika siya.
May time nga na di niya to nadala kaya hindi siya nakatulog ng maayos. Pati ako nadamay tuloy. Kaya mabuti na rin siguro na dala niya yon parati.
"May foods na?" Ayun, naghanap na agad ng pagkain.
Dumiretso na agad ito sa dining table na nakapwesto sa kusina.
"Eh, ano pa ba?" Narinig ko itong humagikhik.
So weird. Sinara ko na ang pinto at sinundan si Abby sa kusina.
There I saw her eating her favorite Carbonara. Mukhang enjoy na enjoy ito sa pagkain. Ngayon ko lang napansin ang damit nito. Ternong damit pantulog na hotdog din ang design.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
Another weird thing from Abby. Masyadong obssessed sa hotdog.
"Sino pala naghatid sayo dito?" Nag-angat ito ng tingin at inilapag ang tinidor sa plato.
Nilunok niya muna 'yung kinakain niya saka nagsalita.
"Si Leo."
Ah. 'Yung binatang family driver ng mga Segovia. Bukod sa madalang itong magsalita at misteryoso. May ipagmamayabang din naman ito.
Pang-modelo ang mukha, katawan tindig. At kahit pa sabihing driver lang ito ng pamilya, marami pa rin ang nahuhumaling na mga babae dito.NôvelDrama.Org holds text © rights.
Magka-edad lang kami ni Abby at si Leo naman ay isang taon ang agwat sa amin. Wala na kaming ibang alam tungkol sa binatang iyon bukod doon. Sabi daw kasi ni Tito confidential daw lahat ng info ng mga nagtatrabaho sa kanila. "Ah. 'Yung may gusto sayo? Uy."
Sinundot-sundot ko siya sa tagiliran dahil alam kong malakas ang kiliti nito don. Pero hindi nagpatinag ang babae.
Instead, she raised an eyebrow at me.
"'Yun? May gusto sa akin? Duh? What made you think na ganon nga e ni hindi nga 'yun nagsasalita. Tsaka alam mo naman na wala akong time sa ganyan."
Nagpatuloy ito sa paglamon ng Carbonara samantalang ako naman ay pinapapak ang fries.
Hindi nga ito nagsasalita pero nahuhuli ko itong nakatitig kay Abby kapag lalabas kami o ihahatid niya kami sa school. Eyes don't lie ika nga. And I believe in that saying. Hindi lang napapansin ni Abby kasi hindi pa naman ito masyadong nakafocus sa love. Ni hindi nga ito nag-e-entertain ng manliligaw.
Pero mga ka-fling? Naku, mapupuno ang isang bondpaper sa dami ng mga ililista.
"Now, let's go back to you, Sol. " Naubos na nito ang pasta at akmang iaabot nito ang sandwich na may Nutella.
Bigla na lang akong kinabahan. Ano nga ba 'yung sasabihin ko? Na nagteleport ako sa ibang mundo?
Geez. I can't even say a thing. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya na hindi ako magmumukhang baliw at nawawala sa katinuan?
"Sa taas tayo?"
Tumango lang ito at binitbit si Footlong habang ang isang kamay naman niya ay hawak-hawak ang container na may leche flan. Ako naman ay binitbit ang mga sandwich at ang fries.
Kumuha ako ng dalawang bote ng mineral water sa ref at saka sinundan si Abby sa kwarto ko.
Humagalpak ng tawa at mangiyak-ngiyak pa ito habang nakahawak sa kanyang tiyan si Abby. Kanina pa ito tumatawa at naririndi na ako sa boses niya.
As expected, tatawanan niya lang ang kinwento ko. Sino ba naman ang maniniwala sa mga sinabi ko? It's already 2018, modern na lahat. The technology and all. Kulang na nga lang ay may lilipad na na tao e. Mahirap nga paniwalaan pero nakakadisappoint lang na galing ito sa kaibigan mo.
"I'm serious when I said I wasn't dreaming. Totoo ang nangyari sakin, Abby! Sasabihin ko ba ito sayo kung alam ko namang in the first place alam ko nang magmumukha lang akong baliw? I have no reasons to pull out any jokes or bed time stories or puns here, Abby. Kaya kita tinawag dahil alam kong ikaw lang ang makakainitindi sakin. But it turns out that I'm wrong."
Kung kaya ko lang sana itong sarilihin ay bakit hinde? Tutal, sanay naman akong sinasarili lahat e. But not this one.
Mababaliw ako kakaisip kung ano ba ang nangyayari and I want someone I am free to open it up with.
"Okay, Sol. Breathe. Naloloka ako sa kinwento mo ah. And sorry I made fun out of you. Di ko lang mapigilan. Kasi naman, who would think na nangyayari pa pala ito sa panahong ito. But... really Sol?" Tumango lang ako sa kanya. Ayoko nang magsalita pa ulit. Silence embraced the four corner of my room. Pakain-kain pang kami ng fries at paulit-ulit na napapabuntong-hininga. Abby broke the silence.
"Sinabi mo na napasok ka sa story na ginawa mo?" Tumango ako.
"You made a story?" Tumango ulit ako.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ne5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
"Without me knowing?"
"Ah. I guess?"
Nangiti ako ng alanganin. I guess hanggang dito na lang ang pagsisikreto ko sa kwento. Kwento kong puno ng kahibangan.
Nagtaas ito ng kilay at pinagkrus ang mga braso.
"Sol?! Y-You're eraofclearwaters?! Oh my god. So all this time, 'yung author na hinahangaan ko ay nasa harap ko lang pala? Oh my gosh, I can't believe this. I can't believe this is happening! And.. I can't believe you." Napanguso ito na parang bibe. I can't help not to laugh.
"Abby, saka ka na magtampo. Ang dami ko pang dapat isipin e. And I can't believe it too. I can't believe that I actually have gone to the place, all my life I thought was all just fiction."
Napatingin ako kay Abby nang pinaypayan nito ang sarili.
Napapasabunot ng buhok at minsan ay nginangatngat ang kuko nito.
"Hoy! Ano bang ginagawa mo? Parang ikaw pa itong mas naiistress keysa sakin e."
"I can't help it, Sol! I just can't help it!"
"Ang OA mo."
"Yeah right." Nagpatihaya ito sa kama ko at huminga ng malalim.
"Seryoso, hindi talaga ako makapaniwala."
"Neither I, Abby."
Kung si Abby nga ay di makapaniwala, ako pa kaya na mismong nakasaksi sa nangyari?
"Ano na gagawin mo?"
Ano nga ba?
"I really don't know, Abby. Hindi ko alam kung kailan ako dadalhin ulit doon. Hindi ko naman din mapigilan and that's one thing na pinag-iisipan ko. How should I stop this whole mess kung hindi ko ito kontrolado?" Baka mamaya, bukas o kahit anong oras tatangayin ako papunta sa mundong iyon. All I can do for now is just be ready sa lahat ng masasaksihan ko pa.
"Abby, please keep it a secret." Nagmake-face ito at tumango.
"Of course. Magmumukha tayong nasiraan ng bait sa sambayanan kapag sinabi ko 'yun, baliw."
Napatawa ako sa inasta nito. Palagi talagang may masasabi ito sa bawat sitwasyon. She knows how to ease the feeling.
"Naninigurado lang."
"Naninigurado your face." Kinalikot uli nito ang laptop ko at nagbasa-basa.
"Uhm, Sol? Who's Tristan?" Tristan?
"Tristan, who?"
Pinaharap nito ang laptop sa akin at may tinuro sa screen.
"This Tristan."
Nang nabasa ko ang pangalan nito sa screen monitor ay nagflashback ang mga nangyari sakin bago pa ako tuluyang bumalik dito sa mundo. 'Yung boses niya, parang nakarecord na sa ulo ko. 'Yung mukha niya tandang-tanda ko pa. Hinawakan ko ang dibdib. It's pounding so hard. "Hindi kaya...?"