Chapter 10 Coffee
We sat together on the staircase and remained silence for the mean time.
Humupa na rin ang pag-iyak ko. Nathan's hug was a comfort. Tinititigan ko ang langit na makulimlim at tila sa sandaing panahon ay kakawala ng malakas na ulan. Then I looked at Nathan. He then looked at me. His brows and eyes are asking. So I thought he's got to be wondering why was I staring at him.
"Hindi ka pa uuwi?" Hindi ito sumagot.
Mukhang wala yatang balak na umuwi itong lalaking ito.
"Hindi ba mag-aalala ang parents mo?"
Hindi muli itong sumagot sa tanong ko. Imbes na pansinin ako ay pumikit ito habang nakaupo.
Matutulog?
Muli kong tinitigan ang mukha nito mula sa aking anggulo. Kitang-kita ang tangos ng ilong nito. Mahahabang pilikmata. Flawless na mukha at ang panga niyang pangsupermodel. Idagdag mo pa 'yung adams apple nito na nakausli. Pangmalakasan.
Bigla akong na-cringey-han sa sarili ko. Ano ba itong pinagiisip ko.
Mula sa gate ay natanaw ko ang isang kotse na agad ko namang nakilala. Kotse nina Abby. Bumisina ito sa harap ng aming gate. Napatayo naman ako at saka mabilis na naglakad para papasukin ang kotse sa loob ng garahe. Nang makapasok ang kotse nila ay bumukas ang pinto sa harap at saka patakbong bumaba papunta sa akin ang kaibigan kong may labis ang pag-aalala ang mukha. Nagulat ako ng bigla niya akong hinampas ng malakas sa balikat. Tignan mo itong babaeng ito, malapit na ngang may mangyaring masama sa akin kanina bugbog pa inabot ko sa kanya.
"Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo! Ayan tuloy malapit ka nang mapahamak!"
Pinagsesermon niya muna ako bago niya ako niyakap ng mahigpit.
"Sa susunod hihilahin na lang kita agad papasok ng kotse para di ka na makatanggi at para hindi na rin maulit sayo 'yung nangyari."
I really wish I had a sister pero sobra pa ang ibinigay sa akin. I have a friend and a sister. I hugged her back and thanked her.
"Mukhang may bisita ka, ah." Ngumisi ito sabay taas baba ng kilay.
Ayan na. Magsisimula na naman siya.
"Ginamot ko lang 'yu-"
Hindi pa ako tapos magsalita nang bumanat na naman itong si Abby. Hays.
"Yiiiiieeeee. Ang gwapo niya talaga! Ang swerte mo 'te, nakasama mo knight in shining armor mo. Alam mo konti na lang iisipin ko na talaga na kayo na, hindi mo lang talaga sinasabi!"
Saka ito nagtititili ng very light para hindi makita ni Nathan. Baliw. Ni hindi nga kami masyado mag-usap niyan, maging kami pa kaya? Napakalawak talaga ng imagination nitong si Abby. "Ilang krimstix ba natira mo ha?"
Napapoker face naman ito sandali sakin na ikinatawa ko. Ang dali niya lang talagang asarin e. Nang makita naming papunta sa aming kinaroroonan si Nathan ay wagas makangiti itong si Abby sa akin sabay sundot sa tagiliran ko. Nakakainis talaga. Kung kailan kailangan kong maging matino sa harap niya saka naman ako ni Abby.
"Hennessy. Mauuna na ako. Salamat sa pagkain. Mag-iingat ka." Bago ito umalis ay ipinatong nito ang kamay sa ulo ko at saka ginulo ang buhok ko. Napabusangot naman ako na ikinatawa nito.
I saw him get in his car at saka niya iniliko ang kotse paharap ng gate para hindi gaanong mahirap lumabas. He rolled down his window at saka inilabas ang kamay nito. I saw him looking at his sideview mirror kaya itinaas ko rin ang aking kamay, a sign to say goodbye.
Nang makalayo na ang sasakyan nito ay saka naman ako pinaulanan ng mga tanong ni Abby. Patungkol kay Nathan at sa pagbisita daw nito sa bahay na hindi ko namang matatawag na pagbisita 'yun. Kahit makailang beses ko pang iexplain sa kanya e panay pa rin ito sa pagdedepensa sa kung ano ang nasa isip niya. Ang kulit.
Pumasok na kami sa bahay para makapagpahinga pero dahil sa nangyari ay hindi ako makatulog. Dumagdag pa sa iniisip ko kung bakit pa pupunta rito ang mga magulang ko kaya inimbitahan ko si Abby na tumambay na lang muna sa taas. "Friend, ang busy mo talaga no?"
Hindi talaga ako pinigilan ni Abby sa mga tanong niya. Magkaharap muli kami sa kadalasang pinagtatambayan namin. Sa 2nd floor ng bahay malapit sa bintana.
I didn't get what she was asking me. Hindi naman ako busy na tao e.
"Kanina ka pa tulala e, kanina pa kita tinatanong hindi mo naman ako sinasagot. Parang ang dami mong iniisip kaya tinanong kita kung busy ka."
She took time to explain kung bakit niya itinanong sa akin 'yun. I spaced out while she was talking and asking me questions kanina.
"Pagod lang." Tipid kong sagot sa kanya.
Masyadong magulo ang isip ko ngayon. Hindi ko nga alam kung anong unang iintindihin e. Nawaglit naman sa isipan ko na may kasama itong si Abby papunta rito.
"Si Leo nga pala, papasukin mo. Baka mahamugan at magkasakit." Bigla naman itong tumawa sa sinabi ko. Problema nito?
Minsan di ko talaga maiwasang matakot dito sa kaibigan ko e. Isang minuto ang seryoso tapos ilang segundo lang bigla-bigla namang tatawa.
"Concerned citizen 'te?" Napabusangot naman ako, masama bang mag-alala. Eh baka magkasakit 'yung tao ako pa masisisi.
Bigla naman niyang itinapat sa mukha ko ang palad niya.
"Hep! Oo na! Di na mabiro. Okay lang 'yung si Leo. Papasok 'yun kung gusto niya e kung ayaw niya naman edi bahala siya. Tsaka wag kang mamroblema, di 'yun mahahamugan, ang kapal-kapal ng anit nung lalaking 'yun e." Natawa naman ako ng bahagya sa sinabi nito. Napakapilya talaga nitong kaibigan ko e, pero kay Leo lang. Hindi ko nga alam kung bakit ganyan trato niya kay Leo e mukhang mabait naman 'yung lalaki. "Ang sama mo."
Napakibit-balikat lang ito saka kinuha ang phone sa bulsa ng pajama nito at may tinipa. Nang wala na akong masabi ay pinagmasdan ko na langang paligid. Hindi ko tanaw ang mga puno dahil kinain na ito ng dilim. Masyado na rin sigurong gabi. Wala na kaming ibang marinig ngunit ang paminsan-minsang pag-ihip ng malamig na hangin.
"Tumawag sila."
Napaharap naman agad sa akin si Abby. His mouth form an "O" when she heard it from me. Tumango ako dito. Mukhang naging interesado naman ito sa kung ano ang susunod kong sasabihin.
"I tell you, it's nothing important. Ganoon pa rin ang bukambibig nila. They said I'll just be grateful that I was their daughter."
Napatungo ako saka naman ako kinomfort ni Abby. She reached for my hand and tapped it gently.
"Huwag mo na lang silang intindihin, nag-aalala lang 'yun sayo. Basta magpakatatag ka lang. And don't forget respect. It's always important. Kahit hindi magawa ng iba, o kaya'y hindi nila gustong gawin just respect. Just show what you have become kahit wala sila sa tabi mo. Tignan mo kaya, lumaki kang independent at matapang. That is why I am so proud of you."
Abby's right. I should be someone whom they thought I can't be. I smiled at her for the encouragement. Another thing about Abby, she's flexible. Kaya niyang maging cheerleader katulad ng pagkakataong ito.
"Thank you, Abby." She smiled in return.
Mukhang napapadalas ang mga ganitong moment namin ngayon and I badly need someone to share with. Buti na lang at nandito si Abby. At least, naiibsan 'yung pag-aalala ko.
"Don't mention it. Magbestfriend tayo kaya natural lang na i-comfort natin ang isa't isa." Bago pa man ako makapagsalita ay tumunog ang cellphone nito. Nakita ko kung paano umaliwalas ang mukha nito at ngumiti? Hmm, there is something going on na hindi ko alam ah.
"Mukhang may hindi yata ako nalalaman?"
Bigla naman nitong itinago ang ngiti sa mukha at nagpanggap na seryoso. Tinapunan ko ito ng mausisang tingin. Hindi naman ito makatingin sa akin ng diretso at mukhang namumula na sa hiya. Bigla na lang itong tumayo at saka tumakbo pababa ng hagdan.
"May kukunin lang ako!"
Aligagang-aligaga ang babae. Ano naman kaya ang kukunin nito sa baba? Hindi ko na lang siya pinansin.
Anong oras na kaya? Hindi pa ako dinadapuan ng antok.
Kinapkap ko ang bulsa ng pajama ko ngunit di ko mahanap ang phone ko. Nandoon pala sa table sa baba. Hays.
Sunod naman akong bumaba para kunin iyon. Wala naman akong tatawagan o tetextan dahil si Abby lang naman ang nasa contacts ko. Bukod sa kanya, wala na.
Kukunin ko lang para maglaro, pampalipas ng oras. Ewan ko ba, may klase kami bukas pero eto kami at nagpupuyat.
Nakita ko ang cellphone ko na nakatihaya sa table malapit sa couch kung saan ako at si nathan nakaupo kanina. Nang kunin ko na ang phone ko ay may sticky note na nakadikit dito.
Call me if you want someone to talk to or you just feel like doing so.
I don't mind if it's late at night or at dawn.
Nang mabasa ko ang note ay bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. I knew it was from Nathan. Sa ilang taon kong pagkakagusto sa kanya ay kilalang-kilala ko na ang sulat-kamay nito.
I quickly checked my contacts and to my surprise, dalawa na ang nakaregistered na number dito. One from Abby and another from Nathan. I tapped his number and saw his Caller's ID. "Nate."
Naiwika ko ang pangalan nito. Hindi ko alam pero nacucute-an ako sa Nate. Palayaw siguro niya ito.
"Sol!"
Nagulat naman akong ng biglang may sumigaw sa likod ko.
"Ay, impakta!"
Nakita ko si Abby na may dalang paperbags na may logo ng isang kilalang fastfood chain.
Nakarinig kami ng hagikhik mula sa pintuan and we saw Leo. It's the first time I heard him laugh kahit saglit lang. Bumalik naman ito sa dating seryoso nitong awra nang sinamaan nito ng tingin ni Abby. Leo then bowed a little to me, then I did the same. Ibinalik naman ni Abby ang tingin nito sa akin.
"Peace." Ngumiti naman ako sa kanya ng pagkalaki-laki.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ne5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
"Huwag kang kakain ha." Sabi nito sa akin at tumalikod na saka nauna na sa kusina kasunod naman nito si Leo na may dala ring paperbags.
Ang dami naman yatang in-order itong si Abby. I quickly let my phone slide into my pajama at saka hinabol sa dining kitchen sina Abby. Baka kung ano na naman 'yung gawin nun kung nalaman niyang may number ako ni Nate-Nathan. "Di ka na mabiro e!" Sigaw ko rito at saka humagikhik na tumungo papunta sa kanila.
Abby ordered sundaes, fries, spaghetti, isang bucket ng fried chicken, burgers and soda. Para namang may piging dito.
"Mauubos ba natin 'yan?" She nodded and winked at me. Si Abby pa.
We ate together with Leo. Konti lang ang kinain nito kumpara sa kinain namin ni Abby. Kung hindi ko pa nga pinilit na sumabay sa amin e hindi ito kakain. Ang sama kasi ng tingin nitong si Abby e. Hindi makamove-on kanina. 'Yan tuloy, ayaw kaming samahan ni Leo. He did take a bite at saka nagpaalam na magpapahangin raw muna.
"Magpapahangin e anong oras na."
Pagalit nitong kinain ang burger at saka inirapan si Leo. Hindi umimik ang lalaki. He bowed down a little again and made his way outside. "Ang rude mo talaga kay Leo, ano?" Kumuha ako ng fries at saka sumubo. Tumayo ako para kumuha ng yakult sa ref.
"Tingin mo?"
Mukhang narealize naman nito kung paano niya pakitunguhan ang lalaki. Pinaikot-ikot nito ang tinidor sa spaghetti at saka ito binitawan. "Obviously. Parang walang araw yatang hindi mo inaaway 'yang loverboy mo e."
Hinila ko uli ang upuan ko at saka nagbukas ng yakult at ibinuhos ko sa baso ko. Bigla naman itong pinagpagan ang sarili.
"Loverboy? Cringey! Maghunus dili ka nga, Hennessy. Wala siyang mapapala sa akin. At kailanman hindi ako magpapaligaw sa kanya, noh?" Inubos ko ang isang basong yakult at saka ako nagpatuloy na magsalita.
"Alam mo, walang buto 'yung dila natin. Mamaya makain mo mga sinabi mo e. Tsaka hardworking naman si Leo, thoughtful, siya 'yung tipong poprotektahan ka. Bonus pa na mukha siyang supermodel." Sumubo pa ito ng fries at uminom ng soda. Mukha
"Yeah, whatever."
Itinatanggi niya pa e kita naman sa mukha niya na may gusto ito kay Leo.
"Walang gusto 'yun sa akin. Sa tuwing kakausapin ko nga siya panay tingin lang sakin. Tapos tatango lang kapag may tinatanong ako. Minsan kukunot na lang 'yung noo niya sa akin sa tuwing may kinekwento ako sa kanya. Ewan ko ba." Sapat na ang nakita kong reaksyon kay Abby tuwing may kinekwento ito tungkol kay Leo. She seemed confused.
"Alam mo, baka ganoon na talaga ang personality niya. Maybe he's a man of few words. Anyways, huwag mo nang isipin 'yung mga sinasabi ko. Maybe it just takes time and you'll know and understand better. Kung ano man 'yang nararamdaman mo, wag mo ng i-deny."
Napatingin naman ako sa kanya nang matapos ko itong i-advice. Ngiting-ngiti ito at hindi ko nagugustuhan kapag siya 'yung gumagawa non.
"Mukhang ang dami ng nalalaman nitong kaibigan ko ah, dapat ka na bang ipatumba?"
Parehas naman kaming napahalakhak sa sinabi niya. Ang dami niya talagang alam pagdating sa kalokohan e.
Matapos naming kumain ay iniligpit na namin ang mga pinagkainan at inilagay sa ref ang mga natira.
Hinugasan ko muna ang mga plato at baso saka kami sabay ng tumungo ulit sa tambayan namin ni Abby. Leo was in our guest room sa baba. Sinabi nitong kumatok lang daw kami kapag may kailangan.
He's so thoughtful kaya kahit hindi pa man nito nililigawan si Abby ay botong-boto ako rito. I saw how he cared for Abby and those who love her. Hindi naman sa assuming ako, I just feel it. Dahil alam ko ang mga titig at galaw ng isang taong nagmamahal. Because I've been there.
"May nakalimutan pala akong sabihin."
"Reply-an mo na muna 'yan. I can wait."
Nakatutok sa phone si Abby nang napakuwento muli ako. I checked my phone earlier bago kami umakyat and it was past 2 a. m. She directly moved her gaze to me.
She smiled and nodded. Nang matapos niyang itipa ang reply niya ay saka ito humarap sa akin.
"Ano ba 'yun?"
It was about what my parents said. Mukhang seryoso kasi dahil pupuntahan talaga nila ako dito. Well.
"Pupunta raw rito ang mga magulang ko." Mukhang nanibago naman ito sa sinabi ko.
"Well... That's new. Bakit raw?"
"Yun nga 'yung iniisip ko e. Wala naman akong ginawang makakasira sa pangalan nila. They just said na I'd better be prepared. Nung sinabi nila 'yun hindi ako mapakali e. Kinakabahan ako." Napaisip naman ito sa sinabi ko. Then she snapped her finger. "Baka business-related?"
I hope not. Hindi ko talaga gustong maging parte ng business nila. Gusto kong ipursue 'yung pangarap kong maging doktor.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
"Alam nilang ayoko."
Paulit-ulit ko na silang sinabihan na ayokong magmanage ng business nila o maging parte man lang. Bukod sa hindi ko iyon pangarap, marami silang tinatapakan na buhay. Their business is to sell lots. Kaya kapag squater areas ang naibenta nila ay wala silang ibang gagawin kung hindi ipa-demolish ang mga bahay roon. O kahit anong paraan pa para lamang mapalayas ang mga taong naninirahan doon.
"Baka naman nag-ooverthink lang tayo. I think they just wanted to make it up to you. Kaya huwag mo nang isipin 'yun. Masyado ka nang nastress, friend. Tama na muna iyon. Let's go to bed na at ilang oras na lang ang meron tayo para matulog."
We locked all the doors, shut off the lights at bumaba na nga kami at magkasamang natulog sa iisang kwarto. Pero kahit pa pilit kong isara ang mga mata ko ay hindi talaga ako makatulog. Ibinaling ko ang ulo ko sakana ko kung saan natutulog si Abby. Buti pa siya, nakatulog na.
I reached for my phone that is resting on my bedside table. Chineck ko ang oras only to see it's already 3 a. m. Ibinalot ko ng kumot ang mukha ko at saka pinilit na matulog. But failed again. Bumalikwas ako at napaupo sa kama. I checked Nathan's name on my contacts at saka pinindot ang messaging icon sa ibabaw ng number niya.
Ano namang sasabihin ko?
I Type a message...
Goodnight!
Erase, erase. Masyadong hyper. Baka isipin niyang feeling close ako. Ano ba? Hindi naman na gabi e, should I thank him instead? 'Yun na lang. I bite my nails and then typed the message.
Thank you for saving me. And for the comfort. It means a lot.
Tama na kaya ito? Nag-aalangan pa ako sa huli kong tinipa. Hindi kaya ma-misinterpret niya? Hays. Ngayon ko lang nafeel na ganito pala kahirap magmessage sa isang taong may gusto ako. Geez.
Bahala na nga. Pinindot ko na agad ang send icon at mabilis na kinumutan ang mukha ko. I took a peek from my phone behind me. My heart's beating so fast. Ilang segundo pa ang nakalipas ay wala akong narinig na tunog na may nareceive na message kaya inialis ko na ang nakatalukbong kumot sa mukha ko.
Sent 3:05 am.
"Parang tanga 'to." Biglang may nagsalita sa tabi ko kaya napasigaw ako.
"Ay palaka!" Napahawak ako sa dibdib ko kaya nabitawan ko tuloy 'yung phone ko. Buti na lang at hindi ito nahulog sa semento.
"Huwag mo nga akong gulatin, Abby. Namumuro ka na talaga ha!" Napahalakhak naman si Abby at bumalik sa pagkakahiga. "Napakalikot mo kasi e, kaya nagising ako. Para ka naman kasing bulate." Psh.
Required talaga manggulat? Nagsorry naman ako dito at sinabi niya sa aking matulog na raw ako. Di na nito ako tinanong kung sino ba ang pinagkakaabalahan ko sa phone at ganoon ako makareact. I know she already knows. Inaantok na rin kasi ito kaya di na siya masyadong nakapagdaldal.
Bukas talaga uulanan na naman ako ng tanong nito.
Kinuha ko naman na ang phone ko. Baka tulog pa 'yun. Mabuti na lang din, para hindi ako masyadong mataranta at mag-isip kung ano ba ang irereply ko sa kanya. Mabilis pa rin ang tibok na puso ko kaya inilapag ko na lang 'yung phone ko sa table. Makatulog na nga. Ngunit wala pang limang minuto, napabalikwas ako ulit dahil sa vibration ng phone ko.
Dali-dali kong in-open ang phone ko only to see Nathan's reply on my screen. Shocks. Bakit ako natataranta.
I tapped and read his reply.
I did what I could, for you. Sleep. We still have classes later.
Received 3:09 am.
I felt butterflies in my stomach. Bakit ganon? Ang simple ng reply niya pero ang lakas makakilig. Ninamnam ko muna 'yung moment bago magtipa ng reply.
Okay. See youNôvelDrama.Org owns all © content.
Sent 3:12 am.
Naghintay pa ako ng reply mula sa kanya pero hindi na ito muling nagtext. Psh. Sinubukan ko na lang matulog pero hindi ako nakatulog dahil sa kakatakbo sa isip ko sa naging reply ni Nathan sa text ko. Urgh.
"Yan. Sinabi kong matulog na, humarot pa. Tuloy inaantok ka diyan." I groaned and let my head touched the glass window of the car. Sumasakit na ulo ko at para akong nakalutang. We are on our way to school. Ginatungan pa ako ng babae. Aish! Ang laking tulong. Minutes later we were walking along the hallway to our room. Malapit pa akong matapilok buti na lang at nakaalalay sa akin si Abby agad.
"Tsk. Di naman pala kaya, nagpupuyat pa."
Hindi na lang ako sumagot dahil tinamad na ako.
Wala na akong ibang maisip kung hindi ang matulog. Nakatungo lang ako habang naglalakad, ni hindi ko na nga natitignan 'yung mga dumadaan e. "Inaantok talaga ako... Aray."
Nang malapit na kami sa pintuan ng room ay may nabunggo ako, hinilot-hilot ko ang ulo ko. Kung kailan masakit naman ito, saka pa ako nabangga. Nang iniangat ko ang aking tingin ay bigla naman akong nahiya. Aish, bakit siya pa. "Sorry."
'Yun lang ang tanging salita na lumabas sa bibig ko at saka dumiretso na sa upuan ko. Ginawa kong unan ang bag ko at saka umidlip. May 20 minutes pa naman bago ang klase. Buti na lang at 7:30 nagsisimula ang unang subject. Bahala na.