Her Name Is Monique

CHAPTER 6: Cutie Pie



(Patty)

The next day suot ko na ang uniform ko and it's really cute. Habang nasa harapan ng salamin hindi ko mapigilan na mapangiti. Ang cute talaga nitong uniform.

Ang design nitong uniform ko sa pang itaas is kulay white siya my lining lang sa dulo ng manggas na kulay red and black tapos may black ribbon to close the neck to add some design too. Sa kaliwang dibdib may bilog na nakaburda doon na kulay itim, sa gitna ng bilog nakaburda naman ang disenyong maliit na building. Bagay na bagay sa kurso namin. While sa pang ibaba naman is kulay gray na skirt. Dalawang klase ang uniform namin. M-W-F yung long sleeve ang style ang susuotin namin. Kapag naman T-Th-S yung short sleeve blouse type.

Ang suot ko ngayon ay ang blouse type dahil tuesday ngayon.

Ganoon din naman ang design sa long sleeve ang naiba lang yung lining na red and black ay naruroon pa rin malapit sa bandang kilikili. Halos parehong pareho lang naman, ang ipinagkaiba lang ng uniform ko sa uniform ng mga lalake sa department namin is necktie yung kanila na my lining din na red and black sa bandang dibdib while sa akin ay black na ribbon naman. Ang pang ibaba ko ay skirt na gray sa kanila naman ay Slacks na kulay gray din.

Kaso sobrang kahihiyan ang nangyare sakin dahil sa uniform na 'to. I-announce ba naman thru speaker ang buong pangalan ko para kunin lang yung uniform na ito sa faculty room. Pwede naman thru phone nila ako tawagin, bakit sa speaker pa? Rinig na rinig pa naman ito sa buong building ng Architechture. Dali dali tuloy akong lumabas ng room namin dahil lahat na naman ng atensiyon nila sa'kin natuon.

Kaya pala natagalan silang ibigay ang uniform sakin kasi ipinagawa pa nila ito sabi ng dean sakin. Wala silang stocks na uniform para sa mga babae dahil hindi naman daw nila in-expect na may mag eenrolled pa na babae sa department ng Zairin dahil puro lalake lamang ang nakakapasa doon.

Doon ko nakilala si Catalina Johnson. Lina for short. Ang ibig sabihin daw ng kanyang pangalan sa spanish ay pure. Ang mama niya isang Filipina at ang papa niya ang Spanish. Kaya pala mukha siyang foreigner. Isang transferee students din siya tulad ko pero iba ang kurso niya. Bachelor of Fine Arts (BFA) ang ti-ni-take niya. Tulad ko 2nd year na siya sa course niya this year.

Sobrang bait niya at down to earth 'yon ang napatunayan ko habang kausap ko siya. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya. Matatas na rin siyang magsalita ng tagalog dahil matagal na rin sila dito sa pilipinas. And the reason kung bakit siya lumipat sa prestihiyosong universidad na ito ay dahil naririto ang lalakeng nagugustuhan niya. Ganoon kasimple kaya naririto siya ngayon. At nasa department ko ang lalakeng tinutukoy niya. Sobrang gwapo daw nun at talented may pagka-snob lang daw pero mabait. Napaisip ako kung sino kaya sa kanila? Dahil hindi naman sa'kin binanggit ni Lina kung sino doon. Sabagay kahit sabihin niya kung sino hindi ko rin naman makikilala. Ang dami nila tapos halos lahat ang gu- gwapo walang naligaw na ampon lahat may ipagmamalaki sa itsura pati na rin sa estado sa buhay.

Sa kanya ko din nalaman na kaya pala ganoon ang mga reaction ng mga tao sa Zairin's department ay sanay na silang may papasok na babae sa department nila pero after a week or two weeks, matagal na ang 3 weeks pero bihira mangyare 'yun. Umaalis din sila kasi bumabagsak. Sa mga quizzes pa lang nagbibigay na ng grado ang mga professors dito kahit na kakaumpisa pa lang daw ng klase. Kaya doon pa lang malalaman na kung kailangan mo pa bang mag patuloy. Grabe ang lupit nila.

Kaya dapat ngayon pa lang tumutok na ako sa lahat ng lessons namin. Ayokong mapahiya kela Mom and Dad na una pa lang tinutulan na nila ang kursong pinili ko. Maging kay Ms. Valdez na umpisa pa lang ang gaan na ng loob ko. Pinagkatiwalaan niya ako na makakaya kong pumasa at hindi matulad sa iba na bumagsak lang. Nakaya ko noong unang taon at magagawa kong pumasa hanggang sa makagraduate ako, to make my parents proud at patunayan na magagawa ko especially Mom na sobra ang pagtutol na ito ang kunin kong kurso.

Tinanong ko siya bakit alam niya lahat 'yun samantalang pareho lang naman kami na kakatransfer lang sa university na 'to. Kahit naman daw nasa ibang school pa siya last year alam na niya ang nangyayare sa Zairin's department kasi nga ini- stalk niya 'yung taong nagugustuhan niya dito. Tinanong ko siya kung sino doon dahil naintriga ako. Lumipat siya ng university kahit na maganda na ang record niya sa dati niyang pinapasukan para lang makita halos araw araw ang taong nagugustuhan niya.

"Makikilala mo rin siya sa mga susunod na araw. Wala siya ngayon dahil may mga inaasikaso."

Iyon lamang ang kanyang sinabi sa'kin kahapon habang nasa faculty room kami at hinihintay ang uniform namin. Napakamisteryoso naman no'n.

"Sino nga kaya sa kanila?"

Naalala ko bigla ang sinabi ni Ms. Valdez sa'kin kahapon. Siya kaya iyong dapat na katabi ko pero wala siya dahil daw may inaasikaso pa.

"Hi! Good morning."

Nagulat ako sa taong nagsalita sa kanan ko. Napahawak pa ako sa dibdib dahil doon. Naglalakad na naman akong bangenge kaya hindi ko napansin na may kasabay na ako. "Oppss! Did I scare you?" Tanong niya. Lumingon ako sa kanya para makita kung sino siya. Nanlaki ang mga mata ko.

Si Renz.

Siya pala ang kasabay ko ngayon. Natutuwa naman akong makita siya ulit. Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa kanya, 'yung pakiramdam na matagal na kaming magkakilala. "Hi--hindi naman. Nagulat lang." turan ko sa kanya habang nahihiyang ngumiti.

"Ang lalim yata ng iniisip mo."

"Hindi naman. Kulang lang siguro ako sa t--tulog." Napapakamot sa batok na turan ko sa kanya.

"Okay! You say so. Pasabay ako ha. It looks like were classmates naman pala."

Nagtaka ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa uniform niya at tama siya kapareho ng kulay at design ng uniform ko ang uniform niya.

"Akala ko namamalikmata lang ako sa nakikita kong babae na nakasuot ng uniform tulad ng disenyon ng sa'min pero totoo pala." nakangiting turan nito.

Ngumiti ako ng alanganin at ipinagpatuloy ang paglalakad sa hallway papunta sa building ng Architechture. Bawat makasalubong naming estudyante pinagtitinginan kami tapos magbubulungan. Anong meron? Nakakailang tuloy. "Totoo pala ang sinabi ni Niko na may babae na sa department namin." anito na mababakas ang tuwa sa boses. Napalingon ako sa kanya.

"Niko?"

"Hindi mo pa nga pala sila kilala. Makikilala mo rin siya agad, siya lang naman ang pinakamadaldal sa'min." natatawang sagot niya sa'kin.

"Nice to meet you again, Patty." Nakangiting nilahad niya ang kamay niya sa akin para makipag kamay. Nagulat ako na natatandaan niya pa ang pangalan ko.

"Ni--nice to meet you din ulit Mr. Dela--- Este Renz pala." nahihiyang tinanggap ang pakikipag kamay nito.

Nakita ko sa aking paligid na halos lahat ng estudyante sa amin nakatingin, specially girls. Kung nakamamatay ang tingin kanina pa ako nakahandusay sa lapag. Nanlilisik ang mga mata nila sa'kin. Tsk! Bakit na naman? "Huwag mo silang pansinin. Ganyan talaga sila."

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong sa kanya saka ito nilingon.

"Wala lang. Let's go? Baka ma-late tayo sa first class natin." "Alam ko na!"

Nagulat siya sa naging reaction ko.

"Bakit?"

"I--ikaw nga pala si Renz Santiago Dela Vega. Kilalang kilala ka sa buong bansa na second son ng pinakamayang pamilya sa pinas." Shock na sabi ko sa kanya. "Bakit hindi ko agad naalala?" Sabi ko pa habang natapik ang sariling noo. "Kaya siguro nagtataka sila na kausap mo ang tulad kong bagong salta lamang naman dito." natawa lamang siya sa mga pinagsasabi ko.

"It's really nice to see you again Patty lalo na ang makita na sinunod mo ang sinabi ko na ilugay mo ang buhok mo. It's really suits you," anito habang bahagyang ginulo ang buhok ko. Napangiti na lang ako sa ginawa niya.

"You remind me of someone that I really miss."

Napalingon ako ulit sa kanya habang patuloy kaming naglalakad. Hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya dahil sobrang hina pero kitang kita sa mga mata nito ang lungkot. Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib. "Let's go?" anito. Tumango naman ako at sabay na nga kaming naglakad papunta sa department namin.

"Hey bro!" rinig kong bati kay Renz ng isa sa classmates namin hindi pa man kami nakakapasok sa loob. I remember siya si Jimenez. Nasa pinto pa lang kami rinig ko na ang puro about sa business na usapan nila. Halos ang iba pala sa kanila, ngayon pa lang on hand na sa pagpapatakbo ng negosyo para masanay na.

"Hey." sagot naman ni Renz dito pabalik. Hindi tuloy ako agad makapasok kasi nasa likuran ako ni Renz at nahaharangan nila ang pinto..

"What's up?"

"Just fine. Ang daming papeles na pinirmahan."

"How's tito Miguel? Is he alright?"Ccontent © exclusive by Nô/vel(D)ra/ma.Org.

"Yeah! He just need some rest sabi ng doctor. Kaya huwag kayong mag-alala."

Mauuna na sana ako sa pagpasok sa room kasi mukhang importante ang pinag-uusapan nila Renz ng biglang sumingit si Martinez sa gilid ng balikat ni Renz mula sa loob. Muntik na kaming magka-untugan dahil sobrang lapit ko sa likod ni Renz.

"Look who's here." ngiting-ngiti na naman siya o mas tamang sabihin na nakangisi siya. Naduling ako sa sobrang lapit niya.

Nagulat ako kaya naman napaatras ako bigla ang kaso sa pag atras ko naman muntik na akong matumba. Nawalan ako ng balanse buti na lang may nakasalo sa'kin mula sa likod. Nahawakan niya agad ako kaya naman napasandig ako sa kanyang dibdib at ang mga kamay niya ay nakahawak sa tigkabilang balikat ko upang hindi ako bumagsak. Napapikit ako akala ko babagsak na ako sa sahig.

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Careful." rinig kong sabi ng taong tumulong sa'kin. Napamulat ako dahil sa pamilyar na boses niya at sa amoy niyang hindi na yata makakalimutan ng ilong ko. 'Amoy gwapo.'

Tumingala ako at titig na titig siya sa'kin at maging ako hindi maialis ang tingin sa mga mata niya. Ang ganda ng mga mata niya, kulay brown.

"Patty, okay ka lang?" tanong agad ni Renz sa'kin kaya natauhan ako bigla. "Wala bang masakit sayo?"

Dali-daling tumayo ako sa pagkakasandig kay Prince. Bigla, 'yung puso ko parang nakikipaghabulan na naman sa sobrang bilis ng tibok nito. Nakakahiya! Ang bigat ko pa yata. Pero nagdadiet na ako.

"O--okay lang ako Renz. Huwag kang mag alala."

"Ginulat mo kasi siya Niko."

"What? I just wanna tease her cause she look so cute on our uniform. Wala akong balak gulatin siya."

"Tsk. Leave her alone, dude. 'Wag mo siya isama sa mga babae mo. I know you."

"Whoa! Whoa! Whoa! Easy dude. Anong mga babae ka d'yan. Huwag mo nga akong siraan sa harap ni cutie pie, Dela Vega." sabi pa nito sabay kindat sa'kin. "And why are you with her? I thought you're allergy with girls, how come you looks so friendly?"

"See? What you call her? Cutie Pie? Your flirting again, Martinez. Sinasabi ko na sayo ngayon pa lang leave her alone, 'wag mo siyang isama sa mga kalokohan mo. And I'm not allergy to girls, tsk! Namimili lang ako ng pinakikisamahan hindi tulad mo lahat ng babae dinidikitan mo.," inis na sagot ni Renz kay Martinez na Niko pala ang pangalan at umalis sa harapan namin. Pumasok na ito sa room. Sinundan na lang namin siya ng tingin. Bakit bigla siyang nabadtrip? "Anong problema no'n, dude?" tanong naman ni Niko kay Prince na nagpapabilis nang tibok ng abnormal kong puso na nasa likuran ko at hindi pa rin pala pumapasok sa loob.

Namula na naman ako sa naalalang posisyon namin kanina. Umalis ako sa harap ng pinto para bigyan siya ng daan.

"Are you with him? Kayo na ba ni Renz?" biglang tanong sa'kin ni Niko.

"Huh? Hindi ah! Nakasabay ko lang siya pagpasok kanina." mabilis na sagot ko naman na sinulyapan si Prince. Seryoso siyang nakatingin sa'kin. Mabilis na inalis ko ang mga mata sa kanya.

Bakit ang OA yata ng sagot ko?

"You didn't know?" singit naman ni Jimenez.

"What?"

"Tito Miguel fainted yesterday."

Si Prince ay seryoso pa rin ang expression habang nakapamulsa. Hindi ko maiwasan na pag-aralan ang kabuo-an niya ngayon habang hindi niya alam na nakatingin ako sa kanya. Ang tangkad niya halos mangawit ang leeg ko kakatingala. Naka uniform din siya ngayon na bumagay sa matipuno niyang pangangatawan. Hindi ko maiwasan na bahagyang tingnan din ang uniform ko para kaming nakasuot ng couple uniform. 'Ano ba itong iniisip ko?'

Nasa kanang bahagi naman nakasukbit ang backpack niya. Ang buhok niya na messy tingnan ay bumagay sa kaseryosohan pero maamo niyang mukha. Mahahaba ang mga pilik mata niya na bumagay sa mapupungay at kulay brown na mga mata na kapag tumititig ay kayang manghipnotismo. Parang 'yung nangyare sa'kin kani-kanina lang. Nainggit yata ang mga pilik-mata ko sa kanya, kinabog niya ang sa'kin. At ang ilong niyang matangos na bumagay sa hindi masyadong bilugan na mukha. Napaka gwapo pala talaga niya. Bumaba naman ang tingin niya sa mapupulang labi nito na mamasa-masa at mukhang napakalambot. Hindi sinasadyang bumalik sa alaala ko ang halik na pinagsaluhan namin sa music room at masasabi kong napakalambot talaga niyon.

Nag init ang dalawang pisngi ko sa naalalang eksena. Ang puso ko nag uumpisa na namang maging abnormal ang tibok. Nanlaki ang mga mata ko ng makita na nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Nataranta ako. Sininok na naman ako bigla. Shit! Not again. Mabilis akong tumalikod sa gawi nito.

"Is he okay? kamusta na si Tito?" tanong ni Niko.

"Okay na siya. Need na lang ng pahinga sabi ni Renz kanina." sagot ni Jimenez.

"E-excuse me." Nagmamadaling singit ko sa pagitan ni Niko at ni Jimenez para makapasok na, halos takbuhin ko na ang kinaruroonan ng aking upuan. Umupo na agad ako sa upuan ko kung saan katabi ko nga si Renz. Hindi ko mapigilan pero ang mga mata ko bumalik sa pinto kung saan naroon pa rin ang lalakeng iyon. Kumabog na naman ang dibdib ko sa nakikita. Nakayukong nakangiti siya. Ako ba ang pinagtatawanan niya? Hindi ko alam kung bakit pero napangiti din ako habang tinitingnan siya.

Namula ako ng lumingon siya sa gawi ko. Agad akong napatungo.

"Seatmates pala tayo. Teka! May masakit ba sayo Patty? Namumula ka."

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"W-wala naman Renz, okay lang a-ako." sabi ko na napahawak sa pisngi. "Mainit lang. Sobrang i-init no." Sinisinok na sabi ko. Natataranta na ako kailangan mawala ang sinok ko bago siya umupo sa likuran ko. "Nakabukas naman ang aircon at bakit sinisinok ka?"

Nanlaki ang mga mata ko at tiningnan ang sinasabi niyang aircon. Hala oo nga. Alanganin akong tumawa sa kanya.

"Here, inumin mo para mawala yang sinok mo." Natatawang sabi niya sa'kin habang ginugulo ang buhok ko at inabot ang isang bottled water sa'kin. Bipolar itong si Renz kanina ang sungit ngayon naman tumatawa na ulit. Tinanggap ko naman agad iyon at nagpasalamat bago ininom. Pasalamat ako at may tubig siyang dala. Tinungga ko kaagad iyon at ilang minuto lang ubos ko na ang laman niyon. Sana mawala na ang sinok ko.

"Whoa! Ang lakas mo palang uminom ng tubig." sabi ng isang classmate ko sa kabilang table malapit sa'min. Mukha siyang may lahing Japanese or Chinese basta 'yun na 'yun, chinito kasi siya. "Para kang si Renz halimaw uminom.... at kumain." natatawang sabi nito, bigla nakaramdam ako ng ilang. Tiningnan ko ang plastic bottle na hawak ko at tama siya wala na ngang laman. Bigla akong nahiya. "Parang hinipan mo lang 'yung tubig." natatawang sabi rin ni Renz habang bahagyang ginugulo ang buhok ko. Napansin ko lang ang hilig niya gawin 'yun sa'kin. "Uy dude pasensya ka na. I didn't know about what happened to tito Miguel." sabi ni Niko kay Renz paglapit sa'min at umupo sa likuran nito. Kasama si Prince. "Okay lang. Dad is doing fine now." sabi ni Renz na umayos na rin ng upo.

What? Miguel? Miguel Constantino Dela Vega? The most powerful man in the country. Daddy nga pala ni Renz 'yun hindi ko agad naalala. Sana maging okay na ang pakiramdam ng daddy niya. Nakadama ako ng lungkot sa isiping may sakit ang daddy niya hindi ko alam kung bakit. Tuwing nakikita ko sa mga magazine ang litrato ng mga magulang niya lalo na ang daddy niya nakakaramdam ako ng lungkot at hindi ko alam kung bakit.

Natauhan ako bigla, natatarantang itinago ko sa bag yung bote ng tubig na ininuman ko. Nakakahiya baka isipin nila para akong lalake uminom. Umayos ako ng upo pero hindi ako mapakali feeling ko nakatingin sa'kin ang lalakeng iyon sa likod ko.

"Ano yang tinago mo Cutie Pie?" Biglang baling sa'kin ni Niko the babaero. Halata naman na babaero ang isang 'to tulad ng sabi ni Renz.

"Ahm! wal---" naputol ang ano mang sasabihin ko.

"Tumigil ka nga Niko sa ginagawa mo." sabi ni Renz na bumalik sa pagiging beastmode ang awra.

"What? Wala naman akong ginagawa, dude." natatawang tanggi nito.

"Your flirting Patty in front on me."

"Bakit kayo na ba ni Ms. Salvador at ganyan ka maka react?"

"Hindi ah."

"What?"

Magkasabay na sagot namin ni Renz at napalingon kay Niko sa likuran.

Wrong move dahil nakita kong seryosong nakatingin sa'kin ang lalakeng may mapupulang labi na napakalambot habang nakasandal sa likod ng upuan niya at nakacross-arms. It was Prince. Shit! Patty maghunos dili ka. Nanigas ako sa kinauupuan at parang robot na lumingon pabalik sa harap ng board sa unahan. Pati pag upo ang gwapo niya pa rin. Hayyy! Ano ba ang nangyayare sa'kin?

"You look so suspicious, Dela Vega." sabi ni Niko na tunog naghihinala.

"What are you talking about, Niko?"

"Your over protective to Ms. Salvador and you even call her by her first name. Gano'n na ba kayo ka-close? And as far as we know she's a transferee student. How come you act like you and her be so close kahit na kakakilala lang natin sa kanya?"

Natahimik si Renz sa sinabi ni Niko. Kahit ako nagtataka sa kabaitan sa'kin ni Renz. Hanggang

pumasok na ang prof. namin sa Math hindi na sumagot pa si Renz.

Hindi ko napigilan na mapatitig kay Renz, at maisip ang mga nagdaang araw na nakasama ko siya.

'Hindi kaya, siya si Gelo? Pero...'

Pumasok rin sa isip ko si Prince. 'Pero parang si Gelo din si Prince.'


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.