Her Name Is Monique

CHAPTER 14: Childhood Sweetheart



(Patty)

"Pwedeng maki-share ng table?"

Nabalik sa katinuan ang isip kong naglalakbay na naman kung saan ng marinig ang tinig sa aking harapan. Tumango naman ako ng hindi ito tinitingnan at ibinalik na lang ang atensiyon sa librong binabasa ko. Naramdaman ko na umupo ito sa katapat kong upuan sa kabilang side ng table. Naririto ako ngayon sa library dahil vacant naman. Nakabalik na ulit ako sa school dahil okay naman na ang pakiramdam ko. Mula pagpasok ko pa lang sa gate nitong University kaninang umaga pinagtitinginan na nila ako siguro dahil sa nangyare sa tagaytay at mga nakikita nilang galos ko maging sa mukha may mga sugat ako na pinalitan ng gauze pad ni Mom bago ako umalis ng bahay. I heard them whispering about Catherine too. Hindi ko sila pinansin at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad pero may narinig akong nakapagpatigil sa'kin. "Alam niyo ba pinagseselosan siya ni Catherine kaya siya tinangkang patayin nito." nilingon ko ang nagsalita pero tumalikod ito maging ang mga kasama nito. Bakit ba sila nagsasalita ng mga bagay na wala pa namang pruweba. I wonder kung okay lang si Catherine ngayon, hindi ko ito nakikita sa campus.

This past few days lagi akong lutang mula ng marinig ko ang sinabi ni mom. Naguguluhan ako, ang dami kong tanong sa isip. Hindi ko naman sila magawang tanungin ni Dad about sa narinig ko dahil pakiramdam ko may pumipigil sa'kin. "Ang lalim yata ng iniisip mo Patty."

Mula sa tinititigang pahina ng libro inangat ko ang tingin sa lalakeng nasa tapat ko. Nanlaki ang mga mata ko. Anong ginagawa nito dito?Original content from NôvelDrama.Org.

"P-Prince ikaw pala." alanganin akong ngumiti sa kanya at napa-ayos ng upo. Hindi ko napansin na ito ang umupo doon. Masyado yata kong lutang. "H-hindi naman, m-medyo antok lang. Sabi ko pa sabay balik sa libro ang tingin. Hindi ko matagalan ang mga titig nito.

Narinig kong nagsimulang magbulungan ang mga estudyante sa loob ng library habang nakatingin sa table namin ni Prince. Bigla narealize kong hindi nga pala basta basta ang kasama ko ngayon. Si Prince ay itinuturing na Prinsipe ng halos lahat ng babae dito. Ramdam ko yung mga nanlilisik nilang mga tingin sa'kin.

"Don't mind them."

Napalingon ako ulit kay Prince na sa librong binabasa nito ito nakatingin. Hindi ko maiwasan na titigan ito. Ang sabi ni Lina sa'kin buhat buhat ako ni Prince noong iligtas ako at nailabas sa guess house sa tagaytay na nasusunog. Naiimagine ko ang itsura namin at kung paano nito ako buhatin. Bigla akong napayuko at inalis ang titig sa kanya pakiramdam ko namumula ako. Ano bang iniisip ko? Ginawa lang nito iyon dahil wala akong malay kaya dapat hindi ko binibigyan ng ibang kahulugan.

Wala naman akong maintindihan sa binabasa ko dahil nasa katapat na upuan ang atensiyon ko. Kaya naman ang makulit na mga mata ko ay bumalik sa pagkakatitig kay Prince na matamang nagbabasa pa rin ng libro. Totoo rin kaya ang sinabi ng nurse na magdamag akong binantayan ni Prince noong hindi pa ako nagkakamalay kahit dapat ay nagpapahinga din ito sa sarili nitong kwarto.

"Nurse may iba pa po ba bukod sa inyong mga nurse or doctors ang nagbabantay sa'kin?" tanong ko sa nurse na nakaduty ngayon para i-check ang kalagayan ko.

"Ano po ang ibig niyong sabihin ma'am?" kunot noo na tanong naman nito sa'kin.

"I mean, pakiramdam ko kasi may magdamag na naririto sa loob ng silid ko kagabi."

"Ah! Iyon ba. Oo meron. Si sir Prince 'yun, yung kaibigan ng anak ng may-ari nitong hospital na si Sir Renz. Naririto siya lagi magdamag lalo na noong unang araw na dalhin ka dito at walang malay. Matapos siyang gamutin hindi na siya umalis sa tabi mo hanggang sa mag- umaga na at kagabi ganoon din."

Hindi ako makapaniwala. Si Prince ba talaga 'yun? Bakit nito ginawa 'yun para sa'kin?

"Sinabihan na siya ng doctor na hindi makakabuti sa kanya kung hindi siya magpapahinga pero ang sinabi lang niya, walang ibang magbabantay sayo kaya siya na lamang."

Hindi ko ma-explain kung ano ba ang mararamdam ko ng mga oras na 'yun, naghalo-halo na. Bakit kaya niya ginawa ang bagay na 'yun? Tapos hindi man lang nito sinasabi sa'kin. Totoo rin kaya yung pakiramdam na may nakahawak sa kamay ko? Siya rin kaya 'yun? Ipinilig ko ang ulo ko, imposible 'yun! Bakit naman nito hahawakan ang kamay ko? Pero niyakap kaya ako nito sa music room 'di ba, bakit hindi nito pwedeng hawakan ang kamay ko? Dahil iba ang sitwasyon 'dun. Para akong baliw na nakikipagtalo sa isip ko. Sa alaala ng halik naramdaman ko na naman ang kakaibang tibok ng puso ko habang tinititigan ko ito. Bumilis ng bumilis iyon na para akong tumakbo ng milya milya. Sininok ako bigla dahilan para mapatingin ito sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko habang hawak ko ang aking dibdib.

Na naman Patty? Bakit ba ako sinisinok lagi sa harapan ni Prince?

Nataranta ako kaya naman bigla akong napatayo sa kinauupuan ko. Pinigilan pa ako nito pero dire-diretso lamang akong lumabas ng library, hindi ko na nagawang makapag-paalam sa kanya baka kung ano na ang iniisip nito sa'kin. Ano ba kasi itong nararamdaman ko para sa kanya? Crush ko ba siya o Gusto ko siya? May pinagkaiba ba 'yun? O baka nagkakaganito lang ako dahil nakikita ko sa kanya si Gelo. Haist! Ang gulo.

Dinala ako ng mga paa ko sa garden. Nagulat ako ng makita ko roon si kuya Niko na mag-isa. Nakaupo at parang napakalayo ng tinatanaw. Simula ng mangyare ang sunog sa tagaytay lagi na itong tahimik at hindi ako sanay na ganyan ito. Lumapit ako sa kinaroroonan nito. Hindi ako nito napansin. Tumikhim ako sa kanyang likuran kaya napalingon ito sa'kin. Nagulat ito ngunit agad ring ngumiti ng makilala ako. "Cutie pie ikaw pala." Pero ang mga ngiti nito hindi umabot sa mga mata tulad noon. "Anong ginagawa mo dito?" anito na umayos ng upo at binigyan ako ng espasyo para makaupo. Umupo rin naman ako doon at nginitian ito. "Napadaan lang ako kuya Niko, galing kasi akong library." Pareho na kami ngayong nakatanaw sa malawak na hardin. Napaka ganda talaga dito, tahimik at masarap ang simoy ng hangin at ang dami ring mga bulaklak na halatang sagana sa alaga.

"Patty!" anito na tumingin sa'kin na mababakas ang kaseryosohan sa boses. Nagulat ako sa pagtawag niya ng pangalan ko, ngayon lang kasi ako nito tinawag sa pangalan ko. "Ako na ang humihingi ng pasensiya sa ginawa ni Cathy sa'yo." malumanay pero malungkot nitong turan sa'kin. Hindi ako nakapagsalita sapagka't hindi ko alam ang sasabihin ko. Nabigla ako sa mga pinapakita ni kuya Niko ngayon.

Matagal na ba silang magkakilala ni Catherine? Pero hindi ko naman sila nakikitang magkasama. Una ko silang nakita na nag-usap noong nasa bus pa kami papunta sa tagaytay at hindi pa iyon matinong usap dahil nagsasagutan sila. Naguguluhan tuloy ako kung anong kinalaman nila sa isa't isa. "Bakit ikaw ang humihingi ng sorry kuya Niko sa nagawa ni Catherine sa'kin? Matagal na ba kayong m-magkakilala?" kahit tunog marites na ako at nanghihimasok sa private life nila go lang, naku-curious kasi talaga ako. Parang ang labo kasi.

Umiwas ito ng tingin sa'kin at tumingin ulit sa malawak na hardin. "Catherine and I are best friends and childhood sweetheart... noon." anito na ikinagulat ko. Nanlalake ang mga mata kong kanina pa siya tinitingnan. Parang napaka imposible pero... "Oo spoiled brat 'yun at may pagkamaldita minsan pero hindi sa ibang tao kun'di sa'kin lang siya gan'un dahil mabait siya sa lahat." naguluhan yata ako sa sinabi niya. Kung iisipin ko ang mga pagkakataon na nakita ko si Catherine at ang mga kwento ni Lina parang hindi naman si Catherine ang sinasabi niya. Hindi ako nagsalita at pinakinggan lang ito.

"Ako ang may kasalanan kung bakit siya naging ganyan ngayon."

Ibig sabihin may nakaraan sila? Nanlake ang mga mata ko pero hindi ko sa kanya pinahalata baka hindi na magkwento.

"Mula pagkabata kami na ang laging magkasama hanggang sa mag high school kami, bata pa lang kami best friends na turingan namin. Walang ibang babae ang dumikit sa'kin maliban kay Cathy. Pero second year high school na kami no'n ng magwala siya at gumawa ng eksena sa school cafeteria. Inaway niya ang babaeng kausap ko. Nagulat ako sa ginawa niya dahil ni minsan hindi niya ginawa ang bagay na 'yun. Kina-usap ko siya at tinanong bakit siya nagkakaganoon at doon ko nalaman na nagseselos siya dahil may gusto pala siya sa'kin." hindi ko napigilan na mapasinghap sa narinig kaya naman ang dalawang kamay ko ay napatakip sa bibig ko. Ang alam ko si Prince ang gusto ni Catherine diba tapos ngayon si kuya Niko pala. Kaya siguro ang sama ng tingin sa'kin ni Catherine noong team building kasi kagrupo ko si kuya Niko at tawanan kami ng tawanan.

"Nagulat ako dahil matagal na pala niya akong gusto bata pa lang kami pero ako best friend lang ang turing ko sa kanya at ayokong masira 'yun. Hindi niya nagustuhan ang idea na may nililigawan na ako. Nasaktan ko siya dahil hindi ko sa kanya sinabi na may nagugustuhan na ako, mas nasaktan daw siya sa part na sa sobrang tagal namin magkasama at magkaibigan nagawa kong magsekreto sa kanya. Kaya siguro siya naging ganyan because of me. Simula kasi ng insidente na iyon naging malayo na ang loob niya sa'kin, sinimulan na niya akong iwasan at parang laging galit sa lahat." dahan-dahan kong inalis ang mga kamay ko sa aking bibig at malungkot na tiningnan si kuya Niko na malayo ang tingin na para bang inaalala ang nakaraan. Hindi ko napigilan na hawakan siya sa likod at bahagyang tapikin ang kanyang balikat. Tumingin ito sakin at malungkot na ngumiti. "I don't know pero magaan pala sa pakiramdam na may mapagsabihan ng mga ganito. Ikaw lang ang napagsabihan ko about dito. Thank you Patty." nginitian ko naman siya.

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Kung may problema ka 'wag kang mag-alinlangan na kausapin ako, pakikinggan kita." sabi ko sa kanya na kanyang ikinangiti.

"Hindi ko alam pero magaan ang loob ko sa'yo, siguro kasi sadyang mabait ka kahit kanino." anito pa na ginulo ang buhok ko. Ang hilig talaga nilang guluhin ang buhok ko. Sinimangutan ko naman ito na ikinatawa lamang nito. "Masaya akong bumalik na ang mga ngiti mo kuya Niko. Sa ginawa naman ni Catherine, 'wag mo ng alalahanin 'yun. Sigurado ako nagsisisi na siya." natigilan ito pero sandali lang at ngumiti ulit.

"Tulad ng sinabi ni Lance, 'wag kang masyadong mabait dahil baka i-take advantage ka nila." anito na tumayo na sa pagkakaupo.

"Halika na at baka mahuli pa tayo sa susunod na subject natin." anito na pinagpagan ang suot na pantalon.

"Oo nga pala! Nakalimutan ko." dali-dali akong tumayo at mabilis na tumakbo.

"Matapos kong ipaalala sa'yo iiwan mo ako Cutie pie." sigaw nito na nangungonsensiya. Naparoll eyes na lang tuloy ako sa kanya dahil bumalik na naman sa cutie pie ang tawag nito sa'kin. Tinawanan lang ako nito at mabilis na lumapit sa'kin. Sabay na kaming naglakad papunta sa department namin.

Masaya ako kasi pinagkatiwalaan ako ni kuya Niko na ibahagi sa'kin ang hindi niya masabi sa iba. Tulad ni kuya Renz. Masaya ako na makahanap ng mga bagong kaibigan sa mga katauhan nila.

Malapit na kami sa room ng may maalala akong itanong sa kanya. "Kuya Niko nasaan pala si Catherine? Bakit hindi ko yata siya nakikita maging ang dalawa niyang kaibigan?" tumigil ito sa paglalakd kaya napatigil din ako. "Suspended siya at yung dalawa na sina Tina at Cassey dahil sa ginawa nila sa'yo." Hindi na ako nagulat na malaman 'yun pero nalulungkot ako hindi ko alam kung bakit. "Hindi pa nalalaman kung sino ang may kagagawan ng sunog pero alam ko hindi magagawa ni Cathy 'yun." anito na biglang naging seryoso habang hindi tumitingin sa'kin. Naglakad na kami muli at tuluyang pumasok sa loob.

Napaisip lang ako. Sino nga kaya ang may gawa ng sunog? Ano ang motibo niya para gawin 'yun? Kung hindi naman, paano naman nagkaroon ng sunog doon?

Pagpasok ko pa lang sa loob naririnig ko na ang ingay ng mga kolokoy slash mga kuya ko.

"Panigurado maraming pipila d'yan." sabay tawanan sila.

"Kailan naman yan gaganapin dude?"

"Next week pa yan pero ngayon pa lang maglalagay na kami ng posters para makapaghanda sila, kung sino man ang sasali." ani kuya Vince na nakaupo mismo sa table ng upuan ko. "Tulungan ko na kayo."

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Ano kaya ang pinag-uusapan nila?" sabi ko ng makita na nag-uumpukan sila mismo sa upuan ko, lumapit agad ako sa kanila.

"Oh! Hi Pat-Pat." bati sa'kin ni kuya Vince na kumaway pa kaya nag-lingunan sila sa'kin. Gumanti naman ako ng ngiti sa kanya. Sunod-sunod naman nila akong binati.

"Anong meron mga kuys?" kunot ang noo na tiningnan ko ang isang poster na hawak nila. Singing Contest?

"May gaganapin na singing contest next week at puro babae lang ang pwede sumali."

"Para saan naman yan? Bakit biglaan?" sabi ko pa na kinuha ang papel na iniaabot ni kuya Vince.

"Si Prince ang gumawa niyan." nagulat ako sa narinig. Bakit kaya ito nagpapa-contest?

"Bubuoin niya ulit ang banda at gusto niyang may babaeng vocalist na kasali." nagulat akong tiningnan si Prince. "May banda pala dito? Kasali siya sa banda?"

"Ayan na pala si Prince." nagsilingunan sila sa pinto. "Hey dude! Anong sabi ni dean about sa contest at sa bubuoin mo ulit na banda?" nanigas ako bigla sa kinatatayuan ko. Hindi ko ito nakikita dahil nakatalikod ako pero ramdam ko yung presensiya nito. Mas lalo akong hindi nakagalaw ng maramdaman kong nasa likod ko na ito. Pakiramdam ko tumayo ang mga balahibo ko.

"Yeah! Mas okay daw na ibalik ang banda." sabi ni Prince. Bakit pakiramdam ko sobrang lapit nito? "Ikaw Patty baka gusto mong sumali." nanlake ang mga mata ko sa sinabi ni Prince. Lahat tuloy sila sa'kin na nakatingin.

"N-naku! H-hindi naman ako magaling k-kumanta." natatarantang sabi ko sa kanila habang iwinawagayway ang dalawang kamay sa aking harapan. Ayokong sumali dahil unang una mahiyain ako, pangalawa hindi naman kagandahan ang boses ko at pangatlo baka mapahiya lang ako.

"Okay lang yun Cutie pie, try mo lang at saka pwede ka naman magpractice." ngiting ngiti na sabi ni kuya Niko na parang kanina lang problemadong problemado.

"Oo nga Princess 'wag kang mag-alala ichi-cheer ka namin with pompoms." ani kuya Luke na ginulo ang buhok ko.

"Anong pompoms ka d'yan kabaklaan mo talaga Luke."

"Ikaw nga nakaisip niya'n dati James." sabay tawa ni kuya Luke na tinawanan din ng iba pa. Binatukan naman ito ni James hanggang sa maghabulan na silang dalawa. Natigil kaming lahat ng pumasok na ang prof. namin sa physics of structure. Bumalik na kami sa kanya-kanya naming mga upuan.

Hindi ko inaasahan na may banda pala dito at kasali si Prince. Pero bakit kaya nabuwag iyon noon? At bakit binubuo nitong muli ngayon?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.